Nothing beats old Tabulas.
Grabe. Ilang buwan din akong di nagblog. Nabblog ako pero dun sa multiply... pero boring siya eh. Inde ko macustomize yung itsura ng multiply ko according sa gusto ko. Tamad ako eh. Tamad pag-aralan yung mga codes para macustomize si Multiply.
Sorry naman kasi nakakatamad mag-exert ng effort na in the end eh di mo rin mami-meet yung "standards" ng kung sino mang hinayupak na tao ang nakakakita at pasimpleng lalaitin yung site mo. ASAR YUNG GANUN.
Lalo na kapag nag-aral ka talaga... pinilit mong iperfect lahat ng quizzes para lang magkaroon ng magandang grades... pero inde... ganun pa din grades mo kahit hindi ka nag-aral. SANA DI NA LANG AKO NAG-ARAL! Haha... oo nah... bitter na ako sa grades ko ngayon... sumabit na naman kasi ako eh.
Enrolled na ako. Time to face the third to the last sem ng 5-years na kabaliwan na to. Sige, mag-aaral talaga akong mabuti ngayon... bahala na si Batman kung ganun pa din ang grade ko. KARMA na sa prof namin kung mababa pa din siya magbigay. haha.
KARMA. speaking of karma... karmahin ka sana sa ginawa mo oy! Kaibigan pa naman din kita pero di ko mapapalampas ang pagiging chickboy mo. Naka-ilan ka na? Kilabutan ka sana at sana wag mo nang ulitin yung kabalastugan na yun. AY!!! Nga pala... kinarma na pala siya... talo at bangko siya ngayon. [hindi ako sasagot sa mga katanungan tungkol dito!]
Thursday ngayon, may basketball mamaya... game nila Mac at Jeff mamaya at pati pala ni Jervyboy... inde ako makakanuod. Nakakamiss ang UAAP. Nakakamiss ang Tigers [kahit na halos araw-araw ko ding nakakausap tong mga to lalo yung kapatid ko]. Pero di bale... may volleyball pa naman eh. V-league is on-going at KAASAR! wala akong kasama sa Linggo para manuod ng game ng UST versus Letran. Sa mga nakakabasa nito... lilibre ko kayo ng ticket (ringside pa!) at ng pizza kung sasamahan niyo ako! hahaha... pero siyempre... dapat kilala ko kayo. WAHAHAHAH...
Ayun. namiss ko nga tong blog na to. Haba na eh. DI naman halata diba? COMMENT NA! DALI! NAMISS KO MGA COMMENTS!





